5 bata iniligtas mula sa cybersex den sa Iligan

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2018 06:20 PM | Updated as of Dec 05 2018 11:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

ILIGAN- Limang bata ang iniligtas ng mga pulis mula sa isang cybersex den sa Barangay Tubod dito nitong Miyerkoles.

Kabilang sa mga nailigtas ay ang anak ng mismong babaeng suspek at isang 2 taong gulang na bata.

Nailigtas ang mga bata matapos magpanggap na kliyente ang mga awtoridad at inutusan ang suspek na gumawa ng malalaswang video ng mga bata kapalit ng pera. 

Agad na nilusob ng mga awtoridad ang bahay ng suspek matapos makumpirma ang pagkuha ng video.

Ayon kay Senior Insp. James Daleon, nakakuha sila ng video sa malaswang ginagawa ng mga bata.

Kuwento ng ama ng isa sa mga biktima, pabalik-balik ang mga bata sa bahay ng suspek dahil binibigyan sila ng pagkain at pera. 

Lingid naman sa kanilang kaalaman na may malaswa palang ginagawa ang suspek sa mga bata.

Patong-patong na kaso naman ang haharapin ng suspek kabilang na ang paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Anti-Child Pornography Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.