Warrant of arrest laban lider ng PISTON, inilabas

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2017 08:55 AM

Isang warrant of arrest ang inilabas laban sa national president ng transport group na PISTON ukol sa malawakang tigil pasada noong Pebrero laban sa planong pag-phaseout ng mga lumang jeep.

Pumunta ang ilang pulis sa lumang opisina ng PISTON sa Quezon City para magserve ng warrant of arrest kay George San Mateo, ngunit wala siya doon kaya hindi siya naaresto.

Ayon kay Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno, pasado alas-9 ng Lunes ng gabi dumating ang mga pulis at hinahanap si San Mateo.

Nang reviewhin daw nila ang CCTV, may ilan na palang nagroronda na sasakyan sa labas ng kanilang opisina bago pa kumatok ang mga pulis.

Dagdag ni Adonis, ang warrant of arrest ay ukol umano sa pag-uudyok ni San Mateo sa mga jeepney drivers para maglunsad ng national transport strike noong Pebrero laban sa pag-phaseout ng mga lumang jeep.

Huling nakasama umano nila Adonis si San Mateo sa isang protest caravan noong Lunes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.