Retrato mula sa Candelaria police
Patay ang isang 7 anyos na lalaki matapos magulungan ng tanker truck sa bayan ng Candelaria, Quezon umaga ng Sabado.
Batay sa ulat ng Candelaria police, bandang alas-6 ng umaga nang tinatahak ng bata at kaniyang ina, 31, sakay ng motorsiklo ang national highway sa Barangay Malabanban Norte.
Bigla umanong lumiko ang motorsiklo pakaliwa patungo sa isang gas station kung saan nagta-trabaho ang ama ng bata.
Hindi umano ito naiwasan ng kasalubong na tanker truck at nabundol ang motorsiklo.
Nahulog ang bata at bumagsak sa kalsada at nagulungan pa ng nakasalpok na tanker truck.
Tumilapon din ang motorsiklo at nasalpok naman ito ng kasunod na kotse.
Nasa kustodiya ng Candelaria police ang driver ng truck, na taga-Cabuyao, Laguna.
Nakahanda namang mag-usap at makipag-ayos ang magkabilang partido na sangkot sa insidente.
— Ulat ni Ronilo Dagos
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.