PatrolPH

300 pamilya nasunugan sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2022 03:33 PM

Screenshot mula sa video ng Bureau of Fire Protection-Cebu City
Screenshot mula sa video ng Bureau of Fire Protection-Cebu City

Nasa 300 pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab ngayong Linggo sa Barangay Mambaling, Cebu City, ayon sa mga awtoridad.

Aabot umano sa P3.75 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog na tumupok sa 150 bahay sa Sitio Wang-yu.

Ayon kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, imbestigador ng Bureau of Fire Protection sa lungsod, itinaas pa sa ikalawang alarma ang sunog.

Nasa 49 fire trucks ang rumesponde sa insidente at tumagal umano nang halos 2 oras bago naapula ang apoy.

Isang residente umano ang nasugatan.

Inilikas sa barangay gym ang mga nasunugan habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy. — Ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.