PatrolPH

TIPS: Paggamit ng face shield, tissue bilang Christmas packaging

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2021 01:44 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - May mga cardboard ba sa tissue at mga acetate sa face shields na hindi na nagagamit? 

Maaari mo yang gamitin sa pagbabalot ng mga regalo. 

Sa TeleRadyo, ibinahagi ni Lala Mae Lacson ng Mommy Guide Inc. ang ilang tips kung paano magagamit ang lumang tissue cardboard o kaya face shield para sa mga ireregalo ngayong Pasko. 

Kailangan mo lang ng mga ribbon, christmas wrapper, at iba pang mga art and craft material.

Ayon kay Lacson, maaaring pagtupi-tupiin ang tissue cardboard para lagyan ng mga maliliit na regalo gaya ng handkerchief. 

Kung nais naman mag-DIY ngayong Pasko, maaaring gumawa ng photo frame gamit ang face shield acetate para magsilbing "proteksyon" ng mga retratong ilalagay. 

Puwede rin aniyang gamitin ang face shield bilang maliit na box para paglagyan ng mga maliliit na regalo. Kailangan lang selyohan ito gamit ang pandikit. 

— Teleradyo, 4 Disyembre 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.