MAYNILA - Ngayong papalapit na ang simula ng opisyal na kampanya para sa Halalan 2022, inaabangan na rin ng mga Pinoy ang celebrities at maging ang influencers na mag-eendorso ng mga kandidato.
Nakasanayan na kasi ng karamihan na ang kandidatong ieendorso ng kanilang iniidolo ay siya ring inilalagay nila sa balota.
Pero ayon sa isang sociologist at propesor, hindi lang basta sikat na tao ang makapagbibigay ng boto para sa isang politiko.
"The overall trust of people getting endorsers are 'tipping point persons.' You need to get a tipping point person because according to Malcolm Gladwell, you don't just get endorsers. You get people that can tip the scale for you. So, it's not just a question of trying to get people with many followers or many people that are liking their post. No. You need somebody who will tip for you the scale, the balance," ani Bro. Clifford Sorita, dating national secretary-general ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting at ngayo'y guro sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Magiging epektibo pa rin ba ang celebrities, influencers at iba pang kilalang tao para makapaghalal sa Mayo 9, 2022?
Panoorin ang kabuuan ng pakikipagtalakayan nina Karen Davila at guest co-host Robi Domingo kay Bro. Clifford Sorita at ang performance ng Pinoy Dream Academy alumnus na si RJ Jimenez sa 'Boto Mo Karerin Natin 'Yan #UsapangHalalan2022.'
RELATED LINKS:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.