PatrolPH

4 bayan sa Davao del Norte wala nang aktibong kaso ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2021 04:24 AM | Updated as of Dec 04 2021 01:49 PM

Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa apat na bayan sa Davao del Norte, batay sa COVID-19 case bulletin ng lalawigan nitong Biyernes.

Base sa report ng Davao del Norte Provincial Health Office, wala nang COVID-19 cases sa mga bayan ng Talaingod, Kapalong, at San Isidro.

Pinakahuling COVID-free municipality ang New Corella matapos gumaling ang dalawang natitirang pasyente sa kanilang bayan.

Pitong kaso lang din ng COVID-19 ang nadagdag sa Davao del Norte nitong Biyernes, pero apat ang bagong namatay sa sakit.

Ayon kay Dr. Alfredo Lacerona, incident commander ng Davao del Norte COVID-19 operations center, isa sa mga dahilan ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 ang dumaraming nagpapabakuna sa lalawigan.

Aniya, 76-78% sa mga nagpo-positibo sa COVID-19 ang mga hindi bakunado.

Inihayag din niya na umabot sa 108,859 ang mga nabakunahang residente sa Davao del Norte sa tatlong araw na national vaccination days. Halos 80% aniya sa kanilang target ang nakamit.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.