Miyembro umano ng NPA na wanted sa panggagahasa, timbog sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2020 11:55 PM | Updated as of Dec 05 2020 01:43 PM

Timbog ang isang lalaki na miyembro umano ng komunistang New People's Army at suspek din sa panggagahasa, sa Brgy. Lumbia, Cagayan de Oro City nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Virgilio Ruiles, na nangmolestiya umano ng menor de edad sa Iligan City noong 2017 at 2018.

Kilala sa alyas na "Bulbog", errand boy din umano ang suspek ng North Central Mindanao Regional Command ng NPA noong nasa Iligan pa siya.

Dinala na sa Iligan ang suspek para sa kaniyang booking sa kaso. --Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.