Magsasaka patay matapos matuklaw umano ng ahas sa Ilocos Norte

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 12:39 AM

PIDDIG, Ilocos Norte - Patay ang isang magsasaka matapos itong tuklawin ng ahas sa Barangay 10 Arua-ay sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte Sabado.

Kinilala ang biktima na si Andres dela Cruz. Ayon sa kaniyang asawang si Lorenza, bangkay na nang matagpuan nila ang asawang kinakitaan ng walong sugat sa hita

Hinala nila na isang kobra ang tumuklaw sa biktima dahil noong nakaraang taon umano'y may nakita silang kobra sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay.

Babala ng doktor na si Arnold Respicio, mainam na maging maingat tuwing pupunta sa bukid at masusukal na lugar.

Mainam ring dalhin agad sa ospital kapag natuklaw ng ahas para maagapan ito.

"Ang ginagawa talaga avoid movement sa limb kung nakikita mo na okay siya ang nangyari kasi dito ay patay na nung nakita. Avoid movement para hindi ma-increase yung heartbeat kasi kung i-move mo 'yung bloodflow mag-spread out other parts of the body," paliwanag ni Respicio.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.