2 patay sa banggaan ng tricycle at truck

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 08:52 AM

Wasak ang tricycle na sinakyang ng mga biktima matapos na sumalpok sa likuran ng wing van truck sa Leganes, Iloilo City.

ILOILO CITY – Dalawang katao ang nasawi matapos na bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa isang wing van truck sa Radial Road, Barangay San Vicente sa Leganes, Martes ng gabi.

Dead on arrival sa Metro Iloilo Hospital sa Jaro, Iloilo si Victor Sina-on at namatay din habang ginagamot sa Western Visayas Medical Center si Armando Mondero.

Dalawa pang pasahero ng tricycle ang patuloy na ginagamot sa ospital.

Ayon kay Gorgonio Saban, driver ng wing van, nakalampas na siya sa intersection nang may bumangga sa kaniyang likuran.

Papunta sa Iloilo City ang wing van, habang paliko sa Zarraga, Iloilo ang tricycle nang mangyari ang aksidente.

Nakakulong na sa Leganes Police Station ang driver ng wing van.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.