PNR Malabon extension umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2018 09:04 AM

MANILA - Nagbukas na ang panibagong extension ng Philippine National Railways sa Malabon. 

Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), umarangkada nitong Lunes ang bagong ruta na magsisimula sa Governor Pascual Station sa Malabon at dadaan sa 8 istasyon papunta sa FTI Station sa Taguig.

 

May 8 daily trips anila mula Malabon hanggang Taguig at vice versa. 

Dagdag ng DOTr, P25 ang pamasahe sa bagong ruta kung air-conditioned ang bagon, habang P20 kung hindi. 

Nilinaw rin ng ahensya na dry run lamang ang pagbubukas sa Malabon-Taguig route dahil isinasapinal pa ang pag-aayos ng serbisyo rito.

Wala pa anilang schedule para sa full operation nito. 
 
May ulat nina Lyza Aquino at Michael Delizo, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.