Mga kasambahay sa NCR, may umento sa sahod

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2017 03:35 PM

Epektibo simula Disyembre 15 ang P1,000 umento sa sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region (NCR).

Ito'y matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag sa minimum wage ng mga kasambahay sa Kamaynilaan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magiging P3,500 ang pinakamababang suweldong maaaring matanggap ng kasambahay kada buwan, mula sa dating P2,500.

Hindi naman matiyak ni Bello kung kailang magkakaroon ng umento sa sahod ang mga kasambahay sa ibang bahagi ng bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.