A pharmacist shows boxes of Devangxia vaccine inside a vaccine refrigerator at the Philippine Children’s Medical Center. Gigie Cruz, ABS-CBN News
MANILA - Minadali ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang transaksyon sa kumpanyang Sanofi Pasteur para sa pagbili ng P3.5 bilyon na halaga ng dengue vaccine, iginiit ni Senador Richard Gordon, Lunes.
Ipinagtataka aniya niya ang mabilis na pagkakahanap ng pondo ng pamahalaan para sa kinukuwestiyong paggamit ng Dengvaxia sa school-based immunization program.
Paliwanag ng senador, nagsimulang makipagpulong ang pamahalaan sa Sanofi noong Nobyembre 2015. Naaprubahan ang kontrata para sa Dengvaxia noong Disyembre 2015, at nakapalabas ng special allotment release order ng parehong buwan.
Maaari aniyang pinabilis ang transaksyon upang pondohan ang kampanya sa May 2016 elections.
"Parang hinabol sa eleksyon e, I'm sorry to say that," sabi ni Gordon.
Inamin ng Sanofi noong nakaraang linggo na maaaring magdulot ng mas malalang sintomas ang Dengvaxia sa mga hindi pa tinatamaan ng dengue.
Sinuspinde na ng Department of Health ang pagbibigay ng naturang bakuna sa mga estudyante samantalang nagkasa ng imbestigasyon ang Department of Justice.
Sinusubukan pa ng ABS-CBN News na kuhanin ang panig ng nakaraang Aquino administration.
Ulat ni Jeff Herneaz, DZMM
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
DZMM, tagalog news, Richard Gordon, Sanofi, Aquino administration, dengue vaccine, dengue, dengvaxia, health, public health, vaccination