PatrolPH

Patay na sanggol palutang-lutang sa karagatan ng Eastern Samar

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2022 01:32 PM

 Larawan mula kay Tony Bencion/MDRRMO Llerente
Larawan mula kay Tony Bencion/MDRRMO Llerente

 BABALA: Ang balitang ito ay naglalaman ng sensitibong detalye.

Isang patay na sanggol ang nakitang palutang-lutang sa dalampasigan ng Barangay 11 sa Llorente, Eastern Samar nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa impormasyon mula sa MDRRMO Llorente, ilang residente ang unang nakakita sa sanggol.

Inakalang isang patay na aso ang palutang-lutang. Pero nang lapitan ito, nakitang isa pala itong sanggol na inanod kasama ang mga basura.

Hinihinalang nasa 7 buwan pa lamang ang sanggol na lalaki.

Nakita ring dumudugo ang pusod nito.

Dinala ito sa simbahan para mapabendisyunan bago ito inilibing sa pampublikong sementeryo.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Llorente PNP ukol sa insidente para matukoy kung sino ang mga magulang ng sanggol.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.