PatrolPH

Lalaking may kasong rape, arestado sa Muntinlupa matapos magtago nang 10 taon

Champ de Lunas, ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2022 01:16 PM

MAYNILA - Arestado ang isang barangay tanod ng Muntinlupa City matapos ang 10 taong pagtatago dahil sa panggagahasa umano sa isang menor de edad na may kapansanan sa Maynila.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Roberto Quiroz ng Manila RTC Branch 29, hinuli ng Special Mayor's Reaction Team o SMART nitong Biyernes ang 60 anyos na suspek na si Orlando Madriaga, residente ng Barangay Silang, Muntinlupa City.

Naganap ang umano'y panghahalay noong Agosto 2012 sa Arlegui Street sa Quiapo, Maynila. 

Matapos ang insidente, nagtago na si Madriaga.

Nahuli si Madriaga matapos ang ikinasang surveillance ng grupo ni Police Major Emmark Dave Apostol. 

Pansamantalang nasa kustodiya ng SMART si Madriaga habang hinihintay pa ang commitment order mula sa Manila RTC. 

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.