PatrolPH

2 pulis patay matapos tambangan sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2022 11:48 PM

Dalawang pulis ang patay sa pamamaril matapos silang tambangan sa Mabalacat City nitong Sabado ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ng Mabalacat City Police, pauwi na sana mula sa isang anti-illegal drug operation sina Police Staff Sergeant Dominador Gacusan, Jr. at Police Master Senior Sergeant Sofronio Capitle, Jr. nang bigla silang paputukan ng mga hindi pa nakikilalang salarin na nakabuntot sa kanila sa South Daang Bakal Road sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga.

Nasa lima umano ang mga suspek na nakasuot ng bonnet, long sleeves, at sakay ng dalawang motorsiklo.

Miyembro ng ng Drug Enforcement Unit ng Mabalacat City Police Station ang dalawang biktima. 

Agad ikinasa ang dragnet operation ng PNP sa buong Pampanga para sa agarang pagkahuli ng mga salarin. - ulat ni Gracie Rutao 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.