Sinuong ng mga deboto ng prusisyon ang baha sa Barangay New Rizal sa Catarman, Northern Samar. Larawan mula sa Serbisyo Publiko News and Information Online
Nasa 15 pamilya ang apektado ng pagbaha sa Barangay San Jose sa Lope De Vega sa Northern Samar nitong Huwebes.
Pinasok ng tubig baha ang mga bahay kung saan napilitan ang ilang mga residente na lumikas sa mga kapitbahay na may matataas na bahay.
Pinasok ng baha ang ilang mga bahay sa Barangay San Jose sa Lope de Vega sa Northern Samar dahil sa ulang dala ng amihan. Larawan mula sa MDRRMO Lope de Vega
Ayon sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, naranasan sa lugar ang walang tigil na pag-ulan na sanhi ng Northeast Monsoon o amihan.
Unti-unti namang humupa ang baha sa lugar.
Sa Catarman, hindi naging sagabal para sa mga deboto ang pagbaha para isagawa ang prusisyon ng imaheng St. Joseph sa Barangay New Rizal.
Sinuong ng mga deboto ang baha para maihatid ang imahe ng santo sa katabing barangay ng Cal-igang.
- Ulat ni Ranulfo Docdocan
regional news,Lope de Vega, Northern Samar, Amihan, Northeast Monsoon, pagbaha, Northern Samar flood,