Pulis itinumba ng riding-in-tandem sa Toledo City

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2020 06:35 PM

TOLEDO CITY, Cebu — Patay ang isang pulis sa lungsod na ito matapos siyang paulanan ng bala nitong Huwebes ng umaga. 

Nangyari ang krimen sa Purok Manga, Barangay Dumlog pasado alas-9 ng umaga. 

Ayon sa paunang imbestigasyon, nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente sa may national road.

Nang puntahan ng mga awtoridad, tumambad sa kanila ang wala nang buhay na katawan ni Police Senior Mst. Sgt. Gerfil Geolina, 44, katabi ang kaniyang minamanehong motorsiklo.

Sabi ng mga testigo, riding-in-tandem daw ang mga salarin na agad tumakas matapos ang pamamaril. 

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente para malaman ang motibo sa krimen. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.