4 bahay nasira, 15 pamilya inilikas sa flash flood sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2020 05:53 PM | Updated as of Dec 03 2020 08:48 PM

Watch more on iWantTFC
Nagkaroon ng flash flood sa ilang barangay sa bayan ng San Enrique sa Iloilo dahil umano sa pagbuhos ng malakas na ulan mula hapon hanggang gabi nitong Miyerkoles, Disyembre 2, 2020. Video kuha ni Marley Gevero

Apat na mga bahay ang nasira sa pagragasa ng tubig na nagdulot din ng pagbaha sa tatlong lugar sa bayan ng San Enrique sa Iloilo sanhi ng walang tigil na pagbuhos ng ulan nitong Miyerkoles.

Ayon kay Jerry Bionat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Iloilo, may 78 na indibidwal o katumbas ng 15 pamilya mula sa Sitio Muruboan sa Barangay Compo ang inilikas alas-8 ng gabi.

Nakabalik lang sila sa kanilang mga bahay Huwebes ng madaling araw.

Watch more on iWantTFC

Bumuhos umano ang malakas na ulan mula alas-2 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi na nagdulot ng pagbaha sa ilang barangay tulad ng Compo, Mapili at Palje.

- Ulat ni Rolen Escaniel