'Tisoy' patuloy na humihina matapos mag-landfall nang 4 beses

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 07:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Matapos magdulot ng pinsala sa ilang parte ng bansa, humina nitong Martes ang bagyong "Tisoy" matapos mag-landfall nang apat na beses. 

Huling namataan sa layong 110 kilometro hilagang-silangan ng Juban, Sorsogon si Tisoy, na may lakas ng hanging umaabot sa 130 kilometro kada oras (kph) at pagbugsong 200 kph.

Unang nag-landfall noong Lunes nang gabi ang Tisoy sa Sorsogon, sunod itong dumaan sa kalupaan ng Burias Island, madaling araw ng Martes. 

Dumaan ito sa kalupaan ng Marinduque bandang alas-8:30 ng umaga ng Martes. Makalipas ng ilang oras, nag-landfall ulit ito sa Oriental Mindoro ng alas-12:30 ng tanghali. 

Gayunman, inaasahan pa rin ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon sa pagdaan ng bagyo palabas ng PAR sa mga susunod na araw. 

Nakataas ang yellow rainfall warning sa Metro Manila ngayong gabi. 

Nakataas naman ang orange rainfall warning sa mga sumusunod na lugar: Laguna, Batangas, Quezon, Bataan, Cavite, at Rizal. 

Pero inaasahan pa rin ang storm surge o daluyong na posibleng umakyat ng 3 metro sa coastal areas ng Marinduque, Romblon, Occidental at Oriental Mindoro, at Batangas. 

Sa ngayon, nakataas ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar: 

• Signal number 3
- Timog na bahagi ng Quezon (Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio)
- Marinduque 
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
- Batangas
- Cavite
- Laguna

• Signal number 2

- Metro Manila
- Burias Island
- Romblon
- Hilagang bahagi ng Camarines Sur ( Cabugao, Libmanan, Pamplona, Pasacao, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego)
- Camarines Norte
- Bulacan
- Bataan
- Tarlac
- Pampanga
- Nueva Ecija
- timog na bahagi ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
- Rizal
- mga nalalabing parte ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
- Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
- Zambales
- Pangasinan
- Northen Aklan (Malay, Buruanga, Nabas, Ibajay) 
- hilagang Antique (Caluya, Libertad, Pandan)

• Signal number 1
- Southern Isabela 
- Benguet
- Nueva Vizcaya
- La Union
- Quirino
- nalalabing parte ng Aurora
- hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran), - - nalalabing parte ng Camarines Sur, Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
- Masbate kabilang ang Ticao Island
- Albay
- Sorsogon
- Catanduanes
- Silangang bahagi ng Northern Samar 
- Hilagang-silangang bahagi ng Samar (Calbayog, Tagapul-am, Almagro, Sto. Niño)
- Capiz
- Iloilo
- Nalalabing parte ng Aklan
- Nalalabing parte ng Antique

Inaasahang lalayo na sa Luzon ang bagyo sa Miyerkoles at lalabas ng PAR sa Huwebes nang umaga. -- Ulat ni Kim Atienza, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.