TINGNAN: Koleksiyon ng belen sa Bacolod, balak isapubliko

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 12:09 PM

Martian Muyco, ABS-CBN News

Martian Muyco, ABS-CBN News

Martian Muyco, ABS-CBN News

Martian Muyco, ABS-CBN News

Plano ng isang doktor sa Bacolod City ang ilatag sa isang exhibit para sa publiko ang kaniyang daan-daang koleksiyon ng Belen o ang nativity scene ni Hesus sa Bethlehem.

Mga makukulay at iba’t-ibang Belen ang makikita sa loob ng bahay ng ophthalmologist na si Ricardo Gallaga.

Para kay Gallaga, ang totoong kahulugan ng Pasko ay si Hesus at ang kaniyang pagsilang. Ito ang mensahe na kaniyang nais ibahagi sa mga koleksyon.

"I hope that we go back to tradition. It’s a beautiful practice... I feel the peace, Christ is here," sabi ni Gallaga.

Ang koleksiyon ni Gallaga ay ‘di lang mula sa Pilipinas. Ang iba ay mula sa bansang Italy, Mexico, at Britain. May Belen na nagpapakita rin ng mga karakter sa cartoon na The Simpsons. Ang mga ito ay kaniyang kinolekta mula sa 43 lungsod na kaniyang nabisita sa loob at labas ng bansa.

Nagsimula ang pagkahilig ni Gallaga sa Belen mula nang dalhan noon ng 1,000-piece set na Belen ng kaniyang lola ang kaniyang ina na gawa pa raw noong taong 1929.

Ang ibang bahagi ng set ay nasa kaniya pa hanggang sa ngayon.

"It was a beautiful set. I was so inspired, so my wife and I fell in love with belens and we decided instead of bringing home tourist things we decided to bring a belen from each country," kuwento niya.

Taong 1991 sila nagsimulang mangolekta ng Belen ng kaniyang asawa.

Bukod sa naka-display nilang Belen, merong din Belen sa loob ng glass globe, lampara, wall decoration, sa libro at ibinurda.

Sumakabilang buhay na ang kaniyang misis pero ngayon ay patuloy pa rin si Gallaga sa pangongolekta ng Belen.

"In the collection, kada isa may kuwento, somebody or a friend gave it to me, some of them are collection in progress," sabi ni Gallaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.