Ilang residente ng Legazpi City, nananatili sa evacuation center

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 11:01 PM

Ilang residente ng Legazpi City ang nawalan ng bahay dahil sa bagyong Tisoy. Don Canela, ABS-CBN News

Ilang residente ng Legazpi City ang nawalan ng bahay dahil sa bagyong Tisoy. Don Canela, ABS-CBN News

Ilang residente ng Legazpi City ang nawalan ng bahay dahil sa bagyong Tisoy. Don Canela, ABS-CBN News

LEGAZPI CITY - Ilang residente ng Legazpi City ang nananatili sa mga evacuation center matapos masira ng bagyo ang kanilang mga bahay.

Madilim na pero todo pa rin sa pag-aayos ng kanilang mga nasirang bahay ang mga residente sa Barangay Tula-Tula sa lungsod.

Nagsumikap silang kahit papaano ay malagyan ng bubong ang mga nasirang bahay para may masilungan ngayong gabi.

Pero ang iba, nananatili pa rin sa evacuation center gaya ng mga residente sa Barangay Puro.

Sa covered court sila ng paaralan matutulog matapos mawalan ng bahay dahil sa bagyo.

Hiling na lang nila na nawa'y matulungan sila ng gobyerno sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang damage assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Albay sa pinsala ng bagyo pero posibleng magdeklara ng state of calamity ang lalawigan bukas, ayon kay Dr. Cedric Daep ng Albay Public Safety and Emergency Management Office.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.