Sanggol patay nang aksidenteng napugutan ng ulo

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2018 08:49 PM | Updated as of Dec 04 2018 08:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

LAOANG, Northern Samar - Isang sanggol ang namatay matapos mapugutan ng ulo sa bayang ito Linggo ng hapon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sakay sa isang motorsiklo ang lola ng biktima, ang isang taong gulang na sanggol at isa pang angkas.

Nagbiyahe sila mula bayan ng Palapag at papunta sana sa bayan ng Catarman.

Pagdating sa Barangay Rawis sa bayan ng Laoang, sumabit sa gulong ng motorsiklo ang scarf na nakabalot sa ulo ng sanggol.

Ito ang naging dahilan nang pagkaputol ng leeg ng bata.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Inihahanda na rin ng pulisya ang kaso laban sa drayber at angkas ng motorsiklo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.