Lalaki, tinamaan ng ligaw na bala sa Maynila

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2017 08:03 AM

MANILA - Sugatan ang isang lalaki matapos matamaan ng ligaw na bala Sabado ng gabi sa Lope de Vega corner Tomas Mapua, Sta. Cruz Maynila.

Kinilala ang biktima na si Jayar Bunanza, 29 anyos, na isang tricycle driver.

Ayon kay PO3 Ryan Punzalan, nakaparada lang si Bunanza sa naturang kalsada pasado 11:00 PM Nang matamaan ito ng bala sa kaliwang binti.

Hindi naman nakita kung sino ang nagpaputok.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima, na agad ding nakaalis matapos malapatan ng lunas.

Tuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente.