PARIS - Muling bumida ang mga Pinoy artists na naka-base sa Paris at ibang parte ng Europa sa katatapos na Art Shopping 2022 na ginanap sa Carrousel Du Louvre sa Paris.
Itinampok ang kanilang mga obra sa tatlong magkakahiwalay na galerie. Sa Access Galerie, bumida ang mga obra ni Margot Mabelonia Calderero kasama ang ilang banyagang artists tulad ng Van Vanen Art Space, na binubuo ng 12 artists at tatlo pang artists mula sa grupo ng Kwadro Pintura.
Sa Arbilo Galerie naman, isang solo exhibit ng Pinay artist at curator na si Oriana Llamas ang natunghayan sa unang pagkakataon. Ito ay pinamagatang 'Ode à Toi Méme' (Ode To Yourself).
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: