PatrolPH

Lalaki arestado matapos maningil kapalit ng nakaw na cellphone

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2022 06:28 PM

MAYNILA — Arestado ang isang 22-anyos na lalaki matapos umanong maningil para ibalik ang ninakaw niyang cellphone nitong Huwebes.

Sa ulat ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group, nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba laban sa suspek malapit sa kanyang bahay sa Barangay Tangkal, Malolos City, Bulacan.

Inireklamo ang lalaki dahil sa pagnanakaw umano sa cellphone ng babae sa isang pares restaurant sa Barangay Santor.

Kalaunan ay kinontak umano ng lalaki ang mga nasa contact list ng babae para humingi ng pera upang ibalik ang cellphone.

Sa entrapment operation, tinanggap ng suspek ang P500 kapalit ng cellphone.

Dinala sa PNP-ACG Headquarters Office ang lalaki na nahaharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil sa ilegal na pag-access sa cellphone ng biktima at paggamit ng pekeng pangalan. 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.