Truck ban sa EDSA, nagsimula na kasabay ng number coding tuwing rush hour

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2021 09:21 AM | Updated as of Dec 02 2021 09:30 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - May umiiiral nang truck ban sa kahabaan ng EDSA mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Sakop nito ang mga light truck na dumadaan sa Magallanes hanggang North Avenue.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), panahon na para ibalik ang number coding scheme at truck ban dahil dumarami na ang mga sasakyan lalo na tuwing rush hour sa hapon.

Ayon sa mga motorista na araw-araw dumadaan sa EDSA, may napansin na silang pagkakaiba sa sitwasyon ng trapiko mula nang muling ipatupad ang number coding scheme nitong Miyerkoles.

“Medyo lumuwag ng konti. Nabawasan ang konsumo sa gas dahil walang trapik,” sabi ng isang taxi driver.

Ngayong araw ng Huwebes sakop ng number coding scheme ang mga may plakang nagtatapos sa 7 at 8. 

- TeleRadyo 2 Disyembre 2021