MANILA -- Nabulabog ang ilang mga residente ng Barangay Hulo, Mandaluyong matapos matagpuan ang isang malaking sawa sa gilid ng kanal Huwebes ng madaling araw.
Ayon kay FO1 Nexus Burlaos, ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Mandaluyong, may haba ng halos sampung talampakan ang Burmese python na kanilang nahuli.
Unang rumesponde ang mga barangay tanod matapos nilang makatanggap ng report hinggil sa sawa na nagtatago sa isang canal sa Coronadal Street sa nasabing barangay.
Gumalaw pa ito papunta sa mga metro ng tubig kaya pahirapan ang paghuli.
Agad dinala sa barangay hall ang sawa at nilagay muna sa isang malaking drum.
Ito ang unang beses na rumesponde ang BFP sa ganitong sitwasyon. Possible anilang nanggaling sa Pasig River ang nasabing sawa.
Paalala naman ng BFP sa mga makakakita ng sawa sa kanilang lugar, itawag agad ito sa mga otoridad.
"[Kung] posible 'wag saktan yung ahas sa paghuli para ma-turn over sa (Department of Environment and Natural Resources) nang maayos. May buhay rin yan," ani Burlaos.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.