P3M halaga ng shabu, nasabat sa Clark, Pampanga

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2021 10:37 AM

MANILA -- Bulto-bulto ng hinihinalang shabu ang tumambad sa mga examiner ng Bureau of Customs Port of Clark nang buksan ang isang maleta na dumating sa bansa noong Martes.

 

Nakatanggap sila ng impormasyon na may parating na iligal na droga mula Strand, South Africa na nakasilid sa isang maleta.

Idineklarang mga damit lang ang laman ng padala, pero nagpositibo ito sa iligal na droga pagdating pa lang sa x-ray at scanning at K9 sweeping operations.

Nang halughugin ang maleta, nadiskubre ang 470 grams ng shabu na abot sa P3 milyong piso ang halaga.

Arestado sa controlled delivery operation ang consignee na tumanggap ng padala sa Hermosa, Bataan.

Kakasuhan siya ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.

Watch more on iWantTFC