Patay sa pamamaril Si Dr. Raul Winston Andutan, isang kilalang surgeon sa Cagayan de Oro City, umaga ngayong Disyembre 2, 2021. Courtesy of Menzie Montes
CAGAYAN DE ORO - Patay sa pamamaril ang medical director ng Maria Reyna Xavier University Hospital sa lungsod na ito ngayong Huwebes.
Nagmamaneho si Dr. Raul Winston Andutan ng kaniyang SUV nang pagbabarilin ito ng suspect riding in tandem bandang alas-11 ng umaga, sa 12th Street corner 29th Street sa Barangay Nazareth.
Ayon kay P/Lt. Mirasol Capino, deputy station commander ng Police Station 9, tinamaan sa leeg si Andutan.
Narekober ang anim na slugs ng bala sa crime scene.
Posibleng sinundan umano ng mga suspek ang biktima at nang makakita ng oportunidad ay saka ito binaril.
Nadamay sa insidente ang isang taong naka-motor nang mabangga ito ng SUV ni Andutan. Sugatan ang driver ng motor at dinala sa ospital para magamot.
Kilalang magaling na surgeon si Andutan at ikinalulungkot ng Cagayan de Oro medical community ang pagpaslang sa kaniya.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.
- Ulat ni PJ dela Peña
KAUGNAY NA VIDEO