Palengke sa Laoag City ipinasara dahil sa pagdami ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2020 08:51 PM

The Laoag City Public Market and Commercial Complex. Dianne Dy-Asuncion, ABS-CBN News


LAOAG CITY - Muling ipinasara ang Laoag City Public Market and Commercial Complex dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.

Napaulat na dumami ang mga nagpopositibo sa COVID-19 na kinabibilangan ng mga vendor, peddler at kargador.

Sa kabuuan, umabot na sa 20 ang kaso ng COVID-19 sa naturang palengke.

Walang kasiguraduhan kung kailan magbabalik operasyon ang palengke dahil kailangan raw ng masinsinang contract tracing.

Sa huling tala ng awtoridad, 169 ang active cases sa buong lungsod. Ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases dito ay umabot na sa 234, kung saan, 65 na ang gumaling. 

Nasa ilalim ng localized modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Laoag City, simula noong Biyernes dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa buong bansa, 434,357 na ang naitalang COVID-19 cases, kung saan 26,916 ay active infections.

 RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC

- ulat ni Dianne Dy-Asuncion