PatrolPH

2 tiklo sa pagdukot ng cellphone sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2020 05:29 PM

MAYNILA- Arestado ang dalawang lalaki matapos magnakaw ng cellphone sa tapat ng isang internet café sa Sta. Ana, Maynila gabi ng Martes.

Ayon sa spot report ng Manila Police District, kumakain sa tapat ng establisimyento ang 18 anyos na biktima nang ilapag sandali ang kaniyang cellphone para uminom ng tubig. 

Sa isang iglap, agad na dinampot ng suspek ang cellphone at mabilis na tumakbo.

Agad naman daw itong napansin ng biktima na sumigaw at humingi ng tulong. 

Inaalam pa kung may dati nang kaso ang dalawa, na sinampahan na ng reklamong theft.

RELATED VIDEO: 

Watch more News on iWantTFC

— Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.