PatrolPH

2 mangingisda nasagip sa palubog na bangka sa Cavite

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2020 05:53 AM | Updated as of Dec 02 2020 07:10 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nailigtas mula sa sakuna ang dalawang lalaking nangingisda sa Ternate, Cavite nitong Martes.

Kinilala ang mga mangingisda na sila Jayson Bolante, 32, at Jay Alab, 30, na mga parehong residente sa Ternate.

Palubog na sa dagat ang bangkang sinasakyan nila matapos hampasin ng malalaking alon na 300 metro ang layo mula sa baybayin ng Caylabne.

Tiyempong nadaanan sila ng speedboat na mga tauhan ng Philippine Coast Guard na noo’y nagpapatrolya kontra dynamite fishing.

Agad nilang ni-rescue ang mga mangingisda at binigyan ng assistance. 

Ayon kay Lt. Michael John Encina, commander ng Philippine Coast Guard Cavite, masyadong maliit ang bangkang gamit ng mga biktima sa pangingisda kaya hindi nito kinaya ang mga alon sa dagat.

Ligtas na nakauwi ang dalawang mangingisda na hindi naman nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.