Pulis patay, retiradong pulis sugatan sa barilan sa Calamba

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2019 03:12 PM | Updated as of Dec 02 2019 03:22 PM

Napatay ang isang aktibong pulis habang sugatan naman ang isang retiradong pulis nang magkabarilan sa Calamba, Laguna noong gabi ng Linggo.

Sakay ng motorsiklo si Police Lt. Ramil Gonzales nang mabangga ito ng kasunod na motorsiklong sinasakyan ng retiradong pulis na si Jujardin Velasco at ng kasama nitong si Richard Pineda, ayon kay Lt. Col. Gene Licud, hepe ng Calamba police.

Inakala raw ni Gonzales na sinadya siyang atakihin ng 2 lalaki kaya nakipagpambuno siya at bumunot ng baril.

Binaril ni Gonzales si Velasco, na tinamaan sa dibdib at balikat, ayon sa pulisya.

Apat na beses namang binaril ni Pineda si Gonzales, na ikinasawi nito.

Dinala ni Pineda ang sugatang si Velasco sa ospital at tumakas para magtago.

Nagkasa na ng manhunt operation ang pulisya laban kay Pineda.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.