PatrolPH

7 buwang gulang na babae, patay nang magulungan ng truck sa Negros Occ.

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2022 03:17 PM

Retrato mula sa Binalbagan police
Retrato mula sa Binalbagan police

BABALA: Ang balitang ito ay naglalaman ng sensitibong detalye.

Patay ang isang 7 buwang gulang na babae matapos magulungan ng truck sa bayan ng Binalbagan, Negros Occidental, sabi ngayong Huwebes ng pulisya.

Ayon sa Binalbagan police, sakay ang sanggol at ina nito ng motorsiklong minamaneho ng ama ng bata nang mangyari ang insidente umaga ng Miyerkoles.

Kagagaling lang umano nila sa clinic at pauwi na.

Nag-overtake umano ang motorsiklo sa isang truck pero nabangga nito ang isang pedestrian na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Nawalan ng kontrol ang ama sa minamanehong motorsiklo, dahilan para mahulog sa kalsada ang sanggol at magulungan ng truck.

Nagtamo naman ng minor injuries ang mga magulang ng bata at ang pedestrian.

— Ulat ni Romeo Subaldo

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.