RIYADH - Sa unang pagkakataon nagtanghal sa Saudi Arabia ang world-renowned Bayanihan, ang premyadong Philippine National Folk Dance Company noong November 16-19, 2022 sa Al-Suwaidi park, Riyadh sa pagdiriwang ng Philippine Week.
Itinalaga bilang isa sa 15 entertainment zones ng siyudad ang nasabing parke para sa Riyadh Season, isang event sa ilalim ng Saudi National Events Center (NEC) at ng General Entertainment Authority (GEA).
PE Riyadh photo
Pinahanga ng dance troupe ang may 15,000 international audience at mga miyembro ng Filipino community Ipinakita ng grupo ang mayaman na kultura at tradisyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng sayaw.
Nagsagawa rin ang Bayanihan ng "Sayaw Workshop," isang dance class na dinaluhan ng mga kinatawan ng embahada, kanilang dependent, mga kinatawan ng iba-ibang Philppine schools sa Riyadh sa Multipurpose Hall ng embahada noong November 19,2022.
Binati ni Chargé d' Affaires Rommel Romato ng Philippine Embassy ang Bayanihan Dance Company para sa kanilang matagumpay na paglahok sa Riyadh Season 2022.
"The world-class performances and professionalism of the Bayanihan continue to inspire our overseas communities to value and promote our rich Filipino culture everywhere," pahayag ni Romato.
PE Riyadh photo
Ang Riyadh Season ay isang state-sponsored annual entertainment at sports festival alinsunod sa Saudi Vision 2030.
Layon nitong mapagtibay ang entertainment sector ng Saudi habang pinipreserba ang cultural heritage ng Saudi Arabia sa ilalim ng pamumuno ni His Royal Highness Crown Prince Mohammed Bin Salman, na pangunahing tagasuporta rin ng NEC.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Saudi Arabia, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.