P2.2-M halaga ng marijuana sinunog sa Sultan Kudarat

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2021 04:55 PM

Nasa 11,000 fully-grown marijuana plants ang binunot at sinunog ng awtoridad sa bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat. Larawan mula sa PDEA-XII
Nasa 11,000 fully-grown marijuana plants ang binunot at sinunog ng awtoridad sa bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat. Larawan mula sa PDEA-XII

Isang malawak na marijuana plantation ang nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Columbio Municipal Police, at iba pang police units sa Sitio Asmakul-Basag, Barangay Sinapulan sa Sultan Kudarat nitong Martes.

Ayon sa PDEA, aabot sa 11,000 na fully-grown marijuana plants ang pinagbubunot at kinumpiska ng awtoridad.

Nagkakahalaga umano ng P2.2 milyon ang lahat ng nasamsam na pananim na marijuana.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang mga umano'y nagtanim nito na kinasuhan na rin ng kasong paglabag sa section 16 o Cultivation of Dangerous Drugs sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa PDEA, dinala ang ilang sample sa PNP crime laboratory para masuri habang ang natirang binunot na pananim ay agad namang sinunog sa nasabing lugar.

- Ulat ni Hernel Tocmo