2 patay sa salpukan ng pick-up at trak sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2021 01:10 PM

Nagkasalubong sa pakurbadang daan ng San Isidro sa Northern Samar ang dalawa behikulo na ikinamatay ng dalawang katao. Larawan mula sa Siklesta de Catbalogan
Nagkasalubong sa pakurbadang daan ng San Isidro sa Northern Samar ang dalawa behikulo na ikinamatay ng dalawang katao. Larawan mula sa Siklesta de Catbalogan

Dalawa ang nasawi sa banggaan ng pick-up at wing van truck sa bayan ng San isidro sa Northern Samar, Martes ng hapon.

Dead on arrival sa pagamutan sina Lando Lance Dolino, 51, at Jake Gatilla, 20; dalawa sa walong pasahero ng SUV.
 
Ayon sa Police Regional Office 8, nangyari ang aksidente 1:40 ng hapon sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Maludbalidlod, Barangay Palanit.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, galing Calbayog City at papuntang Allen, Northern Samar ang trak habang mula naman Northern Samar at papuntang Calbayog City ang pick-up.

Nagsalpukan ang dalawang behikulo pagdating sa pakurbadang bahagi ng kalsada.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng dalawang sasakyan habang patuloy na iniimbestigahan ang aksidente.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan