MAYNILA - Isang residente ng Marikina City ang umaapela ng tulong para sa kaniyang 70-anyos na kapitbahay na nawasak ang tirahan matapos ang pinagdaanang baha dulot ng bagyong Ulysses nitong nakaraang buwan.
Hiling ni Cyndi Austria na sana ay may mabubuting puso ang makatulong sa kapitbahay na si Erlinda Togonon.
“Bumagsak 'yung tagpi-tagping bahay ni nanay,” kuwento ni Austria sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga.
Natutulog si Togonon sa multi-purpose hall ng Barangay Nangka Balubad Settlement sa gabi at patuloy naman ang paglilinis sa iniwang putik sa bahay sa umaga.
Nangako naman si Marikina Vice Mayor Mario Andres na magpapadala ng tao para matingnan ang kundisyon ng bahay ni Togonon at malaman kung ano ang puwedeng itulong sa kaniya.
Marikina, Bagyong Ulysses, baha sa Marikina, TeleRadyo, Lingkod Kapamilya, flood Marikina, Marikina Typhoon Ulysses