Low-pressure area, nagdulot ng pagbaha sa ilang bayan sa Eastern, Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2020 09:07 PM | Updated as of Dec 02 2020 01:46 PM

Nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa mga lalawigan ng Eastern Samar at Northern Samar ang pag-ulang dala ng low pressure area.

Nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa bayan ng Catubig sa Norther Samar ang malakas na buhos ng ulan. Photo courtesy of Jennifer Acdang

Bumaha sa ilang bahagi ng bayan ng Catubig sa Northern Samar dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan Martes ng hapon.

Samantala, umabot rin sa isang metro ang lalim ng baha sa Barangay Solong sa bayan ng Can-avid, Eastern Samar Martes ng umaga.

Nagdulot ng pagbaha sa Barangay Solong sa bayan ng Can-avid sa Eastern Samar ang malakas na ulan na naranasan sa lalawigan. Photo courtesy of Can-avid MDRRMO.

Dala ito ng malakas na pag-ulang tumagal ng ilang oras, ngunit agad ding humupa ang baha matapos ang pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, makakaranas ng panaka-nakang pag-ulan at thunderstorms ang Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa tail-end ng low pressure area.

Maaari rin umano itong magdulot ng pagbaha o landslide sa ilang mga lugar. -- Ulat ni Sharon Evite
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.