Higit P500,000 halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Nueva Ecija; 9 timbog

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2020 11:03 PM

Kuha ng Police Regional Office 3

Higit P500,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa serye ng anti-illegal drug operations sa Nueva Ecija nitong Sabado, Nob. 28.

Nasa 75 gramo ng shabu umano na nakasilid sa 15 na sachet ang nasabat sa bayan ng San Isidro. Tatlo ang naaresto sa naturang lugar.

Apat ang nahuli sa Cabantuan City matapos sila makuhanan ng 2 tube ng dried marijuana leaves at tooter pipe glass. Nahulihan din ang 2 sa kanila ng ilang sachet ng shabu.

Tiklo din sa isang operasyon sa bayan ng Lupao ang isang lalaki matapos siya makuhanan ng 3 sachet ng shabu.

Sa Angeles City, Pampanga naman, kalaboso ang isang magkaibigan matapos sa isang buy-bust operation Brgy. Lourdes Sur East Lunes ng gabi.

Nakuha sa 2 suspek ang 4 na sachet ng shabu na nasa 1.8 gramo ang bigat at hindi bababa sa P12,000 ang halaga.

Ayon sa PNP, mas pinaigting pa nila ang kanilang kampanya kontra illegal na droga sa gitna ng pandemya.

Kinasuhan na ang lahat ng mga nahuli.--Ulat ni Gracie Rutao

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.