PatrolPH

'Gunrunner' patay sa engkuwentro sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2020 10:44 PM

'Gunrunner' patay sa engkuwentro sa Bulacan 1
Patay ang isang umano'y gunrunner sa engkuwentro sa San Jose del Monte, Bulacan. Photo courtesy of Bulacan PPO.

Patay sa engkuwentro ang isang itinuturong gunrunner sa isinagawang buy-bust operation ng police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa San Jose Del Monte, Bulacan nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Rizaldy Gutierrez, na may edad na nasa 40 hanggang 45 anyos.

Ayon sa awtoridad, nakatunog si Gutierrez na pulis ang mga katransaksyon kaya bigla itong pumasok sa bahay at pinaputukan ang mga pulis gamit ang kalibre .38 baril, dahilan para gumanti rin ng putok ang mga operatiba.

Narekober sa bahay ni Gutierrez ang caliber .38 revolver na may mga bala, caliber .45 pistol, at marked money na P3,500 na ginamit sa buy-bust.

Ayon sa CIDG, nakatanggap din sila ng impormasyon na itinuturo rin umano si Gutierrez na leader ng gun-for-hire group na sangkot sa mga extortion activities. - ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.