Gamit sa banda na gawa sa popsicle sticks, ibinida ng artist mula sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2020 06:49 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Tila totoong gamit sa banda sa unang tingin, pero ang mga musical instruments ay pawang artwork na gawa sa popsicle sticks.

“Yun ang naisip ko kasi mas unique po siya,” pahayag ni Clem Owen Ecayan, isang criminology student sa El Nido, Palawan, tungkol sa kaniyang likha.

Tampok sa nakamamanghang miniature artworks ni Ecayan ang musical instruments gaya ng electric at acoustic guitars, drum set, electric keyboard, mic stand at beat box.

“Yung instruments, ngayong July ko na lang po ginawa, ngayong quarantine. Dahil bored po ako, yun ang naisipan kong gawin,” sabi ng 18-anyos na binata sa programa sa TeleRadyo Martes ng umaga.

Laking pasalamat naman ni Ecayan sa mga netizen na natuwa sa kaniyang mga obra.

“Sobrang saya sa pakiramdam. Hindi ko rin po in-expect na magugustuhan ng maraming kababayan ko rin po, kapwa ko artist. Siyempre po, sarap sa pakiramdam na nakaka-inspire po ako sa iba,” sabi niya.

Watch more in iWantTFC

Sa ngayon ay iipunin na muna niya ang kaniyang artworks at hindi muna ipagbibili.