PatrolPH

Amang nanggahasa umano ng 13-anyos na anak sa Iloilo, tiklo sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2020 11:07 PM

Nahuli ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano'y nanggahasa sa kaniyang sariling anak na babae sa Iloilo noong Nobyembre 2019.

Ayon sa PNP Anti-Kidnapping Group, naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant sa tapat ng isang mall sa Bacoor City, Cavite nitong Lunes.

Nangyari ang operasyon isang taon matapos siya ireklamo ng kaniyang 13-anyos na anak sa panghahalay umano nito.

Dinala na ang suspek sa headquarters ng PNP AKG bago siya ibalik sa Iloilo, kung saan niya haharapin ang kasong rape by carnal knowledge.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.