Mga residente ng CamSur pinalikas bago tumama ang bagyong Tisoy

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2019 02:38 PM | Updated as of Dec 01 2019 06:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinalikas na ang mga residente sa ilang barangay ng Buhi, Camarines Sur bago ang nakatakdang landfall ng bagyong Tisoy sa Lunes o Martes.

Ang mga barangay ng Iraya at Ipil na malapit sa Buhi Lake ang may pinakamaraming namatay noong tropical depression Usman noong Disyembre 2018.

Watch more in iWant or TFC.tv

Karamihan sa inilikas ay miyembro ng indigenous peoples’ group na Agta-Tabangnon.

Kasalukuyang nasa ilalim ng wind signal no.1 ang probinsiya.

—Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.