PatrolPH

Bata, patay matapos mabundol ng trak sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2019 12:03 AM

Bata, patay matapos mabundol ng trak sa Negros Occidental 1
Kuha ni Roger Gutib

CADIZ, Negros Occidental - Isang 10-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos mabangga ng isang trak sa Barangay Cabahug sa lungsod na ito Biyernes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, biglang tumawid sa daan ang biktima kasama ang kanyang kapatid, na menor de edad din, nang mabundol siya ng trak.

Papunta sana ang biktima sa bahay ng kanyang tiyahin.

Napihit pa umano ng truck driver ang preno pero dahil sa tulin ng kanyang pagpamamaneho, ay naabot pa rin ng trak ang bata.

Sinubukan umanong tumakas ng drayber sa malapit na tubuhan pero agad din siyang nahuli ng mga kapitbahay at kamag-anak ng biktima.

Matapos na makipag-areglo sa pamilya ng bata, ay agad din napalaya mula sa detention cell ang drayber.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.