1 sugatan sa salpukan ng van at AUV sa Makati

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2017 05:57 AM

Sugatan ang isang pasahero ng AUV nang banggain sila ng isang van sa Gil Puyat Ave., Makati City Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Crisipin Dela Paz na agad dinala sa ospital.

Ayon kay Leonardo Aguirre, traffic enforcer ng Makati Public Safety Department, nangyari ang aksidente pasado alas-12:30 ng madaling araw nang umiwas ang van sa isang babaeng tumatawid na may kapansanan umano sa pag-iisip.

"Dark yung damit kaya siguro nagulat yung driver. Nung malapit na saka nakita kaya iniwasan. Kaso medyo may kabilisan din kaya sumalpok," aniya.

Natamaan ang gilid at saka napaikot ang AUV na nakasalubong ng van.

Alas-3:30 na naialis ang nagbanggaang sasakyan na bahagyang nagpasikip ng traffic.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.