TFC News

Pagkaing Pinoy at handicrafts, bumida sa diplomatic charity fair sa Budapest

TFC News

Posted at Nov 30 2022 10:43 PM | Updated as of Dec 01 2022 07:36 PM

BUDAPEST - Muling Ibinida ng Philippine Embassy sa Budapest ang mga pagkaing Pinoy at handicrafts sa taunang Diplomatic Charity Fair sa InterContinental Hotel Budapest nitong November 27.

Itinampok sa Philippine booth ang iba’t ibang produktong gawa sa Capiz shells, na popular na gamitin sa paggawa ng decorative items sa Pilipinas.

Amb Cimafranca
PE Budapest photo

Dinumog ang Philippine booth ng mga bisitang gustong bumili ng Philippine-made products na inangkat pa mula sa Pilipinas at mula sa local handicraft makers.

Maliban sa handicrafts, bumida rin sa charity fair ang Filipino food na itinampok rin sa booth. Natikman ng mga bisita ang samu’t saring mga ulam, panghimagas at meryenda.

Hungary2
PE Budapest photo

Ang Diplomatic Charity Fair ay isang taunang event na inorganisa ng Diplomatic Spouses of Budapest (DSB) na layong magkapangalap ng pondo at tulong para sa iba-ibang charitable organizations na sinusuportahan ng DSB.

Hungary3
PE Budapest photo

Pinasalamatan ni DSB President Lucila Cimafranca, asawa ni Amb. Frank Cimafranca, ang lahat na nakilahok at sumuporta sa charity event.

Mrs Cimafranca
PE Budapest photo

Ipinaalala rin ni Mrs. Cimafranca ang kahalagahan ng international cooperation sa panahon ngayon.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Hungary, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.