PatrolPH

Sundalo sugatan sa pag-atake ng NPA sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2021 12:11 AM

Kuha ng 803rd Infantry Brigade
Kuha ng 803rd Infantry Brigade

Isang sundalo ang nasugatan sa sunod-sunod na pag-atake ng mga hinihinalang rebeldeng New People's Army (NPA) sa Las Navas, Northern Samar.

Ayon sa mga awtoridad, inatake ng mga miyembro ng NPA ang mga barangay ng San Jose, Epaw at Sag-od sa sa Las Navas, Lunes ng umaga.

Agad na umatras ang mga rebelde dahil sa dami ng mga sundalo na nakaposisyon sa tatlong barangay.

Agad nailikas gamit ang isang helicopter ang sugatang sundalo at dinala sa pinakamalapit na hospital.

Kinondena ng militar ang pang-aatake ng mga rebelde dahil naantala ng insidente umano ang pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga residente sa tatlong barangay.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.