PatrolPH

Negosyante sinaksak ng kapitbahay dahil sa 'dumi ng aso, ingay ng motorsiklo'

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2020 07:19 PM

MAYNILA — Sugatan ang isang negosyante sa Novaliches, Quezon City matapos siyang saksakin ng kapitbahay dahil sa kanilang alitan.

Naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Rex Vasquez, 54, na inireklamo ng biktimang si Melchor Angeles, 35.

Sa imbestigasyon ng Novaliches police, lasing ang suspek, na iritado sa kaniyang kapitbahay na si Angeles dahil bukod sa maingay ang motorsiklo nito ay palagi raw nakakalat ang dumi ng aso nito.

Nagtamo ng dalawang saksak sa tagiliran si Angeles na agad itinakbo sa ospital.

Kinasuhan ng mga pulis si Vasquez ng frustrated murder.


—Mula sa ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.